Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

2 hati sa P521M jackpot ng Ultra Lotto 6/58

707 Views

Dalawa ang maghahati sa P521,275,111.60 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Disyembre 30, 2022.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga nanalo ay tumaya sa Davao City at sa Tacloban City.

Dalawa lang ang nakakuha ng winning number combination na 01-23-15-03-08-05, ayon sa PCSO.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 395 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P2,000 naman ang 13,614 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P100 naman ang 170,810 mananaya na nakatatlong numero.