PCSO

P109.6M premyo ng UltraLotto 6/58 tinamaan

145 Views

TINAMAAN na ang P109.63 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 56-41-11-48-54-58 sa bola noong Marso 7.

Samantala nanalo naman ng tig-P120,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 280 mananaya na nakaapat na numero at tig-P11 ang tinamaan ng 8,841 mananaya na nakatatlong numero.