UltraLotto

Inaalagaang numero nanalo ng P49.5M sa UltraLotto

137 Views

ISANG buwan pa lamang umanong inaalagaan ng 42-anyos na lalaki ang kanyang mga numero nang tumama ito ng P49.5 milyon sa Ultra Lotto 6/58.

Ang nanalo ay pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City upang kunin ang kanyang premyo.

Siya ay taga-Iloilo at nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 24-39-31-19-42-13 na lumabas sa bola noong Enero 20.

“Kung para sa iyo, mapupunta sa’yo. Madalang ako tumaya sa lotto. Madalas, yung asawa ko naman yung tumataya. Pero hindi ko akalain na sa loob lamang ng isang buwan na pagaalaga ko sa mga numerong yun eh tatama sya. Hirap kami sa buhay kaya nagpapasalamat ako sa PCSO dahil dito,” sabi ng nanalo.