Tulak

2 lalaki inaresto sa pagbebenta ng shabu

106 Views

NASAKOTE noong Sabado ang dalawang lalaki ng mga kapulisan sa isang operasyon laban sa ilegal na droga sa Barangay Sinipian, Sta. Teresita, Batangas.

Ayon sa pulis Sta. Teresita ang mga suspek ay nakilalang sina alyas Jay, 25, may asawa, construction worker at nakatira sa Barangay Sitio Puyo, Brgy. Sta. Clara, at si alyas Dan Dan, 48, ng Rizal Avenue, Poblacion, kapwa ng Batangas City.

Ang mga suspek ay nadakip sa pamumuno ni PMAJ John Mark Cuyos Presbitero, ang hepe ng pulisya.

Ayon sa report, ang mga suspek ay naaktuhang nagbebenta ng pinaghihinalaang shabu ng mga pulis, na umakto bilang poseur buyer bandang 8:30 ng gabi.

Narekober mula sa suspek ang ginamit na buy-bust money.

Samantalang ang mga ebidensya na nakuha sa suspek ay iti-turn over sa Batangas Provincial Crime Laboratory Office upang suriin kung positibo itong ipinagbabawal na gamot.

Ito ay bilang paghahanda sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Article II, Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang naturang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa piitang bayan.