Gunrunner

2 suspek sa pagbebenta ng ilegal na boga nasakote

Bernard Galang Dec 8, 2025
338 Views

ARESTADO ang dalawang suspek sa pangangalakal ng ilegal na baril sa pinaigting na kampanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa paglaganap ng mga loose firearms.

Unang nahuli si alyas Don, 41, sa Brgy. Manggang Marikit, Guimba at narekober sa suspek ang isang cal .45 pistol, magazine assembly para sa cal .45, dalawang cellphone, buy-bust at boodle money.

Sa pangalawang operasyon, naaresto si alyas Cruz, 58, sa Sitio Tagpos, Brgy. Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija pero nakatakas ang kanyang kasabwat na si MoyMoy na taga-Gapan City.

Nasamsam sa suspect ang isang 5.56mm M16A1 rifle, isang magazine para sa 5.56mm ammunition, dalawang cellphone at marked money at boodle money.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) na isasampa laban sa dalawa.