Cavite Ang taunang paligsahan sa pagluluto tuwing Valenciana Festival ng General Trias City, Cavite.

3 Cavite towns magdiriwang ng festival

Dennis Abrina Dec 8, 2025
329 Views

NAKATAKDANG ipagdiwang ng General Trias ang Valenciana Festival habang Kawayan festival ang sa Maragondon at Organiko Festival sa Alfonso sa Disyembre 10, 11 at 12.

Ipagdiriwang ng GenTri ang ika-277 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Disyembre 13, 2025 at ang Valenciana Festival sa Disyembre 10.

Tampok ang paligsahan sa pagluluto ng Valenciana at ang street dancing competition na lalahukan ng 11 paaralan.

Pangungunahan nina Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV at City Tourism Head Dennise Columna ang pagbubukas ng Sarayba Ancestral House Museum.

Ang mga lokal na produkto na gawa sa kawayan ay nasa gitna ng apat na araw simula Disyembre 11 habang ginaganap ng makasaysayang bayan ng Maragondon ang 9th Kawayan Festival.

Pangungunahan ni Mayor Lawrence ‘Umbe’ Arca ang pagbubukas ng kasiyahan at pagbubukas ng taunang Agri-Tourism Community Trade Fair.

Sa pagdiriwang ng Organiko Festival ng Alfonso, Cavite nagsimula ito sa Christmas lighting ceremony noong Nob. 29 at Bumper to Bumper Alfonso Car Show noong Disyembre 6 sa town plaza

Mayroon ding coffee art workshop and tilt, Binyagan Bayan, Kasalang Bayan at Mayor’s Ball sa Disyembre 9.