2,268 taga-QC inilikas dahil kay Enteng

91 Views

DAHIL sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Enteng at Habagat, umabot na sa 642 pamilya o katumbas ng 2,268 indibidwal ang inilikas sa Quezon City nitong Lunes.

Pinakamaraming nailikas ay mula sa Brgy. Bagong Silangan na umabot na sa 284 na pamilya o 1,041 indibidwal.

Sinudan ito ng Brgy. Roxas na may 128 pamilya o 302 indibidwal; Tatalon- 23 pamilya o 277 indibidwal; Damayang Lagi–23; Commonwealth 23 pamilya o 79 indibidwal; Holy Spirit-82 pamilya o 226 indibidwal at Payatas-47 pamilya o 167 indibidwal.

May inilikas ding mga pamilya sa Brgy. Don̈a Imelda Marcos, Sta Lucia, Apolonio Samson, at Brgy. Pasong Tamo.

Binuksan ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang 19 na evacuation center para sa 11 barangay na apektado ng mga pag-ulan at pagbaha.