Suspect

2nd suspek sa pagpatay sa kelot sa QC hotel tiklo

213 Views

NAARESTO na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) noong Sabado ang pangalawang suspect sa pagpatay sa lalaki sa hotel sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay QCPD Acting Director, P/Col. Randy Glenn Silvio, nahuli sa Bulacan si alyas Michael, 30.

Itinuro ng unang suspek na nahuli, si alyas James, ang pangalawang suspek na nasa sa R Travelers Inn sa San Roque Road, San Rafael, Bulacan.

Nahuli ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Edison Ouano si Michael bandang alas-1:45 ng madaling araw.

Inaresto rin si alyas Anthony, room attendant ng R. Travellers Inn, matapos tangkaing hadlangan ang mga pulis.

Narekober ng mga awtoridad ang ninakaw na Yamaha Sniper na ginamit ng mga suspek sa pagtakas.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong robbery with homicide at paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), habang si alyas Anthony ay mahaharap sa kasong obstruction of justice.