PCSO

3 hati sa P43.9M jackpot ng Lotto 6/42

Arlene Rivera Jun 1, 2022
164 Views

TATLO ang maghahati sa P43.912 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tatlo ang nakakuha ng winning number combination na 25-20-29-07-21-02 sa bola noong Mayo 31.

Ang mga nanalo ay tumaya sa San Jose del Monte, Bulacan; Silang, Cavite; at Sta. Rosa, Laguna.

Mayroong isang taon ang mga nanalo upang kunin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.