OFW SOURCE: Mga larawan mula sa PCO

343 OFWs, dumating sa PH sa 4th charthered flight; sinalubong ni PBBM

202 Views

OFW1OFW2OFW3OFW4OFW5OFW6OFW7

OFW8
SOURCE: Mga larawan mula sa PCO

PERSONAL na sinalubong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang panibagong batch ng mga repatriated OFWs mula Middle East nitong Lunes, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pag-uwi sa mga Pilipinong apektado ng tensyon sa rehiyon.

Kabuuang 343 repatriates—binubuo ng 317 OFWs at 26 dependents mula Kuwait, Bahrain, Qatar, at Saudi Arabia—ang dumating sa Villamor Air Base bandang 6:30 a.m. sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines.

Sa kanilang pagdating, personal na kinausap ng Pangulo ang mga OFW at pamilya, at pinangunahan ang pamamahagi ng tulong tulad ng financial aid, medical assistance, at psychosocial support.

Kasama niya sa pagtanggap ang ilang opisyal ng gabinete kabilang sina Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, at OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan.

Ayon kay Cacdac, 234 OFWs ang galing Kuwait, Qatar, at Bahrain, habang 109 naman ang diretsong inilikas mula Saudi Arabia. Nagpasalamat din siya sa Saudi government sa pagtulong sa paglikas ng mga Pilipino mula karatig-bansa.

“Sarado ang airspace in Bahrain and limited or restricted ang airspace sa Kuwait and Qatar. So it was a land-crossing effort. It took, on average, about seven to eight hours to get to Riyadh, Saudi Arabia,” ani Cacdac.

Inihayag din na naghahanda ang gobyerno na pauwiin pa ang humigit-kumulang 1,200 pang Pilipino, kabilang ang planong chartered flights mula UAE.

Pagdating sa bansa, may nakaabang na ayuda at programa sa reintegration—mula trabaho, kabuhayan, hanggang libreng training mula sa iba’t ibang ahensya gaya ng DTI, DOT, DA, at TESDA.

Sagot din ang hotel stay, domestic flights para sa Visayas at Mindanao, at libreng bus sa Luzon.

Sa kabuuan, mahigit 1,400 OFWs at 334 dependents na ang napauwi mula March 5 hanggang 17, patunay ng tuloy-tuloy na rescue efforts ng pamahalaan.

Nauna nang iginiit ni PBBM ang kahalagahan ng “bayanihan” sa gitna ng krisis at tiniyak na hindi pababayaan ang mga Pilipino saan man sa mundo.