OFW1

99 Pinoy mula Kuwait na nakabalik PH nagpasalamat sa gobyerno

Jun I Legaspi Mar 31, 2026
149 Views

OFWOFW2OFW3OFW4OFW5OFW6

BAKAS sa mga mukha ng 99 na Pinoy ang kasiyahan nang ligtas silang nakabalik mula sa Kuwait sakay ng Gulf Air Flight 154 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Marso, 31 2026.

Isa sa mga dumating ay si Overseas Filipino Worker (OFW) Peppard Mangubat, na nagtrabaho sa US military base. Aniya, “The services and assistance provided by the government is excellent. I appreciated their services so much.”

Tiniyak naman ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na masaya rin ang pamahalaan na makita silang ligtas na nakabalik. “Ang saya po namin na andito na kayo. Kapag may digmaan, sinusundo ng DMW at OWWA sa pakikipagtulungan ng embassy sa Kuwait ayon sa tagubilin ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Marami na po tayong natulungan at marami pa ang tutulungan,” pahayag ni Administrator Caunan.

Agad na ibinigay sa mga repatriated OFWs ang pang-unang tulong pinansiyal, medikal, pansamantalang matutuluyan, at pamasahe pabalik sa kanilang mga probinsya. Pag-uwi sa kani-kanilang bayan, karagdagang tulong mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na miyembro ng National Reintegration Network (NRN) ang nakaabang upang sila ay tulungan na muling makabangon.

Sa kabuuan, 198 apektadong OFWs na ang nakabalik ng bansa mula sa Kuwait, kabilang ang 22 dependents.