PAGCOR Ipinagkaloob ni SiGMA Asia Managing Director Neil Shih kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco ang donasyon na 3,500 wheelchair mula sa SiGMA Foundation noong Setyembre 16 sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City. Kasama rin sa larawan si PAGCOR Senior Vice President for Land-Based Operations Daniel C. Cecilio.

3,500 WHEELCHAIR IPAMAMAHAGI NG PAGCOR

19 Views
PAGCOR1
Nagbigay ng mensahe si PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco sa turnover ceremony para sa 3,500 wheelchair na donasyon ng SiGMA Foundation noong Setyembre 16 sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.

PAGCOR2

PAGCOR3
Nakahanda nang ipamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa ang 3,500 wheelchair na donasyon ng SiGMA Foundation sa PAGCOR.

NAKATANGGAP ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng 3,500 wheelchair mula sa SiGMA Foundation para ipamahagi sa mga nangangailangang Pilipino.

Isinagawa ang ceremonial turnover nitong Miyerkules, Setyembre 16, sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City. Dinaluhan ito nina PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco at SiGMA Asia Managing Director Neil Shih.

Ayon kay G. Tengco, malaking tulong ang donasyon ng SiGMA Foundation upang mas marami pang Pilipino ang matulungan ng PAGCOR.

“On behalf of PAGCOR, I thank the SiGMA Foundation for this generous support. These wheelchairs are now ready for distribution to beneficiaries in cities, municipalities, and provinces across the country,” ani G. Tengco.

Umaasa rin siya na mas marami pang programa ang maisasagawa ng PAGCOR at SiGMA Foundation sa hinaharap.

Sinabi naman ni Shih na ipinapakita ng donasyon ang malasakit ng pribadong sektor at pamahalaan sa mga nangangailangan.

“Today’s ceremony is meaningful because it demonstrates what can be accomplished when the private sector and government work together with a shared purpose. We hope that these 3,500 wheelchairs will make a difference in the lives of thousands of Filipinos and their families,” ani Shih.

Ipamamahagi ang mga wheelchair sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa sa pamamagitan ng CSR programs ng PAGCOR, katuwang ang mga local government unit (LGU) at iba pang stakeholder.

Ang SiGMA Foundation ang charity arm ng SiGMA Group, isang events at media organization na nakatuon sa gaming, emerging technology, digital health at affiliate marketing. May mga tanggapan ito sa anim na lungsod sa bansa, kabilang ang Maynila.