Calendar
Sinabi ni PLt.Col.Rommel Anicete na walang puwang ang mga kriminal sa Baseco matapos ang pagkaka-aresto sa apat na babaeng suspek sa illegal na droga. JONJON C. REYES
4 na babae inaresto sa Baseco dahil sa illegal na droga
DINAMPOT ang apat na babae dahil sa mga kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na operasyon nitong Biyernes.
Unang naaresto ang dalawang suspek na kabilang sa talaan ng No. 3 at No. 5 Most Wanted Person station level. Sila ay nakilalang sina alyas Mylene, 31,tubong Oriental Mindoro,dalaga, at si alyas Danica, 32, mula sa Navotas, single, kapwa residente ng Block 1 Gasangan, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong for R.A. 9165 ART. II SEC. 11 matapos matimbog sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lily Joy Labayo-Patria, ng Manila RTC Branch 178.
Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.
Arestado rin sina alyas Diana, 32, single, canteen vendor at alyas Sangki, 23, dalaga, kapwa residente ng Oldsite, Baseco Compound.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel S. Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station13 bandang, 12:15 ng madaling araw ng Biyernes na nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 12 gramo at nagkakahalaga ng (P81,600.
Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa wikang alam at nauunawaan nila. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng R.A. 9165 na kilala rin bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa suspek.
Ihahain ang mga reklamo laban sa mga suspek sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

