Hulog

OBRERO, NAHILO, NAHULOG SA GINAGAWANG GUSALI, SUGATAN

Jon-jon Reyes Sep 12, 2026
127 Views

Hulog1Hulog2Hulog3NAHULOG mula sa ginagawang gusali ang isang obrero matapos mahilohabang tumatawid umano ang biktima sa isang concrete beam upang makapunta sa kabilang bahagi ng site para umihi, nitong Sabado.

Ayon sa report ng Manila City DRRM Department, tanghali ng mangyari ang aksidente. Sugatan ang mangagawa matapos nahulog mula sa pangalawang palapag ng construction site sa Quirino Avenue at Mabini Street sa Malate, Manila. Malate Manila

Ayon sa mga kasamahan ng biktima,tatawid ito mula sa kabilang site subalit habang naglalakad ito dito na nakaramadam ng ng hilo at tuluyang mahulog.

Base naman sa nakita ng DRRM Department na rumesponde sa pinangyarihang lugar, wala umanong suot na safety harness ang manggagawa nang mangyari ang insidente.

Agad sinaklolohan ang obrero ng mga kasamahan.

Ang biktima ay nagtamo ng mga galos sa mukha at leeg at nakaranas ng pananakit ng balakang. Agad naman siyang inilikas at dinala sa pinakamalapit na ospital para sa atensiyong medikal.