Calendar
Mega Job Fair sa Malabon dinagsa
DINAGSA ng daan-daang aplikante ang idinaos na Mega Job Fair na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pamamagitan pagtutulungan ng Public Employment Service Office (PESO) at Trabaho Partylist Sabado ng umaga Robinsons Malabon.
Umabot sa 50 mga lokal at overseas na kompanya ang nag-alok ng 4,888 na trabaho sa mga aplikante kabilang ang mga bakanteng posisyon tulad ng accounting staff, account managers, customer service associates, cashiers, baristas, drivers, electricians, air-conditioning technicians, construction workers, delivery drivers, field salesmen, marketing assistants, production workers,at marami pang ibang teknikal na posisyon.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, patuloy nilang inilalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga Malabueño upang mas marami sa kanila ang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng trabaho, mapaunlad ang kanilang kakayahan, at magkaroon ng mas maayos at matatag na kabuhayan.
“Sa pamamagitan ng mga job fair na ito at sa pakikipagtulungan sa ating mga partner employers at employment stakeholders, mas napapalawak natin ang mga oportunidad na maaaring mapakinabangan ng ating mga residente,” dagdag pa ng alkalde.
Sa naturang kaganapan, inilatag din ng lokal na pamahalaan ang One-Stop Shop na serbisyo para sa mga naghahanap ng trabaho kabilang ang NBI, GSIS, DOLE, DMW, PSA, OWWA, TESDA, PHILHEALTH, SSS, PAG-IBIG Fund, at Malabon City Police.
Umaasa naman ang alkalde na sa dami ng mga oportunidad na trabaho para sa mga Malabueno, tiyak aniya na may mga aplkante na matatatanggap kaagad sa trabaho para makapag-umpisa na sa araw ng Lunes, Setyembre 14, 2026. (edd reyes)

