Calendar
Lola nasawi sa jeep na nawalan ng preno, sumalpok sa poste, tumagilid





PATAY ang isang 65-anyos na lola habang inoobserbahan pa ang walong sugatan sa pagamutan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at sumalpok sa poste sa northbound lane ng Rizal Ave. corner R.Papa, Sta. Cruz, Maynila, Sabado ng hapon.
Ayon kay Police Major Joel Aquino, ng MPD Traffic Enforcement Unit, bandang 4:30 ng hapon nang maganap ang aksidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawing biktima na si alias Lola Rose, residente ng Tondo,Manila.
Ayon sa salaysay ng driver na si alyas Angelo, nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong jeepney habang binabagtas nito ang kahabaan ng Rizal Avenue.
Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok, tumagilid ang sasakyan at natangal ang bubong.
Patuloy ang isinasagawang imbistigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng ilan pang mga biktima.

