Dasma

447K tao boboto sa Cavite special polls

Dennis Abrina Aug 29, 2026
156 Views

DASMARIÑAS CITY–Nakatakda ang special election ngayong Sabado sa siyudad na ito para palitan ang pinatalsik na si Cavite 4th district Congressman Francisco ‘Kiko’ Barzaga.

Nasa 3,162 established precincts sa 75 barangays ng lungsod ang dudumugin ng mga botante.

Ayon kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia, 447,387 ang registered voters sa lugar

Magkakaroon ng early voting mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng umaga para sa mga senior citizens, persons with disability at buntis na botante.

Tapos na ang 28-day campaign period na ibinigay ng Comelec sa 5 kandidato na sina incumbent Mayor Jenny Barzaga, ex-vice mayor Rex Mangubat, ex-councilor Jesse Frani, Marvin ‘Hiway’ Dupal-ag at Leysander Aguilar Ordenes.

“Hopefully, makapag-proclaim kami sa Linggo,” sabi ni Chairman Garcia.