Wanted

48 wanted persons timbog sa Calabarzon

106 Views

Gala3

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna – Timbog noong Biyernes ang 48 wanted persons, kabilang ang anim na Most Wanted Persons sa rehiyon, matapos isa-isang lambatin ng mga operatiba ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) sa buong CALABARZON sa loob ng 24 oras.

Bukod sa anim na Regional Level Most Wanted Persons, nalambat din ang tatlong Provincial Level na most wanted, anim na City/Municipal Level MWP at 31 pang wanted sa iba’t-ibang kaso.

Nasakote si alyas Ellie sa Cavite at alyas Patrick sa Quezon City na parehong Regional Level MWP dahil sa kasong rape.

Sumunod na naaresto sa Oriental Mindoro si alyas Louise dahil sa paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act (RA 8042).

Hindi rin nakaligtas sa Victoria, Laguna sina alyas Duroy, Natoy at si Calvin sa Balayan, Batangas, na naaresto dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nakakulong ang mga suspek at sumasailalim sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa korte.

Nagbabala naman si PRO 4A director PBGen. Dominic Baccay sa iba pang nagtatago sa batas na bilang na ang kanilang mga araw.