NHA

51st yr ipinagdiwang ng NHA

Jun I Legaspi Jul 28, 2026
28 Views

NHA1BILANG pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng National Housing Authority (NHA), pinangunahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang pagpapasinaya ng marker display sa NHA lobby sa main office sa Quezon City.

Ang marker ay kinikilala ang pagpapatibay sa batas ng Republic Act No. 12216 noong Mayo 29, 2025 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang batas, na pinamagatang “An Act Strengthening the National Housing Authority by Extending its Powers, Repealing Presidential Decree No. 757, Series of 1975, as Amended, and for Other Purposes,” ay higit pang nagpapatatag sa mandato ng NHA na maghatid ng abot-kaya at matatag na pabahay.

Binigyang-diin ni GM Tai ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang at sinabi na ang marker display na ito ay hindi lamang sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng NHA mula nang ito ay itatag kundi nagsisilbi ring paalala ng pangako ng ahensya na tugunan ang makabagong pangangailangan sa pabahay sa susunod na 25 taon.

“I’m very happy because we’re not only (celebrating our) 51st year, but this is actually the first year of our new Charter. I hope na ‘yung 25 years na ipinaglaban po namin sa Kongreso,” sabi ni GM Tai.

Dinaluhan din ang programa nina Officer-in-Charge ng Management Services Group Lowella L. Manuel, Financial Services Group Manager Lorna S. Diolola, Housing Support Services Group Manager Atty. Maria Magdalena de Leon-Siacon, Consolidated Union of Employees President Dianne Luzell L. Masangkay at mga miyembro ng Committee for Corporate Activities.

Ilang linggo bago ang pagdiriwang ng anibersaryo, ininspeksyon ni Tai ang mga site ng proyektong pabahay na inilaan para sa mga pamilyang maaapektuhan ng mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan sa Ipil, Zamboanga.