PCG

6 pasahero ng lumubog na bangka nailigtas ng PCG

196 Views

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na pasahero mjula sa lumubog na bangka sa Pandak Island, Hadji Muhtamad, Basilan.

Ayon kay Gabby Mundih, 38-anyos, at residente ng Rio Hondo, Zamboanga City, galing sila ng Jolo, Sulu at papunta sa Zamboanga City noong Pebrero 28.

Dahil sa malalakas na alon ay nasira umano ang bangka dahilan upang pasukin ito ng tubig.

Isang search and rescue team ang pinapunta ng PCG sa lugar at nahanap ang mga biktima.