BBM

Kadiwa ng Pangulo sa Cebu kumita ng halos P1M sa 2 araw

69 Views

KUMITA ng halos P1 milyon ang Kadiwa ng Pangulo sa Cebu City sa loob ng dalawang araw.

Ang naturang Kadiwa outlet ay binuksan ng Pangulo noong Lunes para makabili ang publiko ng mas murang mga produkto mula sa magsasaka at iba pang producer.

Ayon sa mga organizer, umabot sa P931,329.66 ang dalawang araw na benta rito– P412,799.30 noong Pebrero 17 at P518,530.36 noong Pebrero 28.

Mula Nobyembre 5 hanggang Disyembre 31 noong nakaraang taon, ang mga Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, Kadiwa on Wheels, at Kadiwa ng Pasko ay kumita ng kabuuang P136.14 milyon.

Ikinatuwa ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagdami ng Kadiwa outlet sa iba’t ibang bahagi ng bansa na naglalayong tulungan ang mga konsumer, magsasaka, mangingisda at iba pang maliliit na negosyante.