Calendar
Provincial
7 tsugi, higit 30 sugatan sa banggaan ng mini-dump truck, pickup truck
Zaida Delos Reyes
Jun 17, 2026
271
Views



PITO ang patay at hindi bababa sa 30 ang nasugatan sa banggaan ng mini-dump truck at pick-up truck nitong Martes ng gabi sa Barangay Bolo, Labrador, Pangasinan.
Batay sa inisyal na ulat, pababa ng bundok ang dalawang sasakyan nang mawalan ng kontrol at mag-malfunction ang preno ng mini-dump truck na may lulang 25 trabahador.
Dahil sa bilis ng pagbulusok ng mini-dump truck, nahagip nito ang pick-up na may lulang 12 pasahero.
Tuluyang bumulusok ang dalawang sasakyan sa bangin dahilan upang masawi ang pitong pasahero ng dump truck.
Sugatan at nagtamo ng minor injuries ang iba pang pasahero ng dalawang sasakyan.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

