Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
8 timbog dahil sa iba’t ibang kaso sa MIMAROPA
Helen D. Prado
Jan 10, 2026
363
Views
KAMPO PBGEN EFIGENIO C. NAVARRO, Calapan City–Walo ang naaresto sa lalawigang ito dahil sa iba’t-ibang kaso noong Biyernes.
Ayon sa ulat ng pulisya, tatlo sa mga naaresto–sina alyas Elon, 49; Leonard, 38; at Kevin–dahil sa krimeng homicide.
Nahaharap din sina Leonard at Kevin sa kasong falsification by private individual at paggamit ng falsified documents.
Arestado din sina alyas Dominique, 24, dahil sa tangkang pagpatay; Andres, 21, para sa pagpapabaya na nagresulta sa pagpatay at pinsala sa ari-arian; John Emer, 19, para sa physical injuries; Zaldy, 59; at Noli, 57, para sa Ilegal na pangingisda.
Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at isusuko sa naaangkop na mga korte, ayon kay P/BGen. Jovencio Badua, hepe ng PRO-4B.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

