Tingog Nakipag-meet ang mga delegado ng Eastern Visayas Young Leaders’ Parliament (EVYLP) kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez habang pormal na inihain ng TINGOG Party-list ang siyam na panukalang batas na binuo ng kabataan sa Kongreso. Ang mga mungkahing ito ay nabuo noong ginanap ang EVYLP noong Disyembre. Larawan mula sa TINGOG Party-list

9 panukalang batas na gawa ng EV youth leaders inihain ng TINGOG

386 Views

NAGHAIN ang TINGOG Party-list ng siyam na panukalang batas na binuo ng mga delegado ng Eastern Visayas Young Leaders’ Parliament (EVYLP) na binubuo ng mga kabataang Waray.

Noong Disyembre 10 hanggang 15, 2024, tinipon ng EVYLP ang mga kabataang lider mula sa buong rehiyon para sa isang linggong deliberasyon, paggawa ng polisiya, at pagpaplano para sa kaunlaran ng Eastern Visayas.

Noong Miyerkules, Hulyo 30, 2025, inihain ng TINGOG ang mga panukalang batas na ito na tumatalakay sa kapakanan ng kabataan, edukasyon, pampublikong kalusugan, climate resilience, at transparency sa pamahalaan.

“As representatives of Eastern Visayas, we believe that leadership begins with listening,” ani TINGOG Representative Jude Acidre, na ngayon ay Chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education.

“These bills are a testament to what happens when we trust young people not only to participate, but to lead,” dagdag pa nito.

Kabilang sa mga inihain na panukala ang sumusunod: Student Internship Allowance Act; Transparent Appointments in Government Act; Mangrove Buffer Act of 2025; Eco-Tourism Incentives Act of the Philippines; SK National Accountability Act; Leyte Sab-a Peatland Conservation Land Act;

Mga Amyenda sa RA 10742 (Sangguniang Kabataan Reform Act); Healthy Schools Food Environment Act; at Public Health Workers Plantilla Regularization Act

Inilarawan naman ni TINGOG Representative Yedda Romualdez ang tagumpay na ito bilang malinaw na demonstrasyon kung paanonv makabuluhang makikibahagi ang mha kabataan national policy.

“These proposals are rooted in experience and grounded in the realities of our young people—from ensuring accountability in youth councils, to promoting better food environments in schools, to preserving peatlands in Leyte,” aniya. “This is what youth empowerment should look like—not symbolic, but substantive.”

Binigyang-diin din ni TINGOG Representative Andrew Romualdez ang kahalagahan ng inisyatiba, bilang isang kabataang lider at mambabatas.

“As a young member of Congress, I see in these proposals the clarity and conviction of a generation ready to lead,” aniya. “These young leaders have not only spoken—they have drafted solutions.

It is our responsibility to make sure their ideas are heard, respected, and translated into real policy. This is how we build a future shaped not just for the youth, but with them.”

Dumalo rin sa paghahain ng mga panukala ang mga opisyal ng EVYLP na sina Parliament Speaker Jan Reian Niño Saavedra, Deputy Speaker Joana G. Valore, at Majority Floor Leader Jeric B. Doblon, at personal na nakipagpulong kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa pagpirma sa mga panukalang batas—isang simbolikong pagpapakita ng kahalagahan ng pakikilahok ng kabataan sa pinakamataas na antas ng paggawa ng batas.

Muling pinagtibay ng TINGOG ang kanilang paninindigan na paunlarin ang mga kabataang lider ng rehiyon at lumikha pa ng mas maraming plataporma na para pag-ugnayin ang grassroots idea t pambansang polisiya.

“This is only the beginning,” ayon kay Acidre. “We in TINGOG will continue to build pathways for young leaders to shape the future they hope to inherit.”