Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Himas rehas ang rape suspek at nasa kustodiya ng Raxabago Police Station 1 habang kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang akusado.
Metro
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Jon-jon Reyes
Oct 12, 2026
189
Views
ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Warrant Section-Raxabago police station ang 39-anyos na binata dahil sa kasong rape sa Tahong Alley, Kaunlaran Village, Brgy. 20, Caloocan City noong Lunes.
Ang suspek, si alyas Jun-Jun, ay dinampot sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape at nakatala sa top 4 Most Wanted Persons.
Bandang alas-1:20 ng hapon ng magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Warrant and Intelligence Section sa pamumuno ni PCpt. Mark Xyrus Santos na nagresulta sa pagkakatiklo sa akusado,.
Nahuli ang suspek sa tulong ng arrest warrant para sa kasong rape na inisyu ni Judge Cielitolindo Luyun, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 3rd Judicial Region, Branch 36, Gapan City.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

