Barcelon

Business group nagpahayag ng suporta kay PBBM

146 Views

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine business group sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President George Barcelon nagdadala ng sigla sa mga negosyante ang naitalang 7.6 porsyentong gross domestic product (GDP) growth rate.

“The recent release of the GDP numbers is very uplifting. I think we’re one of the highest,” sabi ni Barcelon.

Sinabi ni Barcelon na malaki ang maitutulong ng mga polisiyang inilalatag ng Pangulo upang malagpasan ng mga negosyo ang mga hamon na kinakaharap ng mga ito.

“So we’re very positive, and we are in full support of the short-term and the long-term plans of this administration,” dagdag pa ni Barcelon.

Ayon kay Barcelon mahalaga ng ginagawang pag-uusap sa Association of Southeast Asian Nation’s (ASEAN) sa mga isyu ng climate change at presyo ng enerhiya na nakakaapekto sa suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan.