BBM1

PBBM nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa pagbagsak ng tulay sa India

129 Views

NAKIRAMAY si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng mga nasawi sa bumagsak na suspension bridge sa Gujarat, India.

“At the outset allow me to add our condolences on behalf of the Filipino people for the tragic loss of life and injury from the bridge collapse that you recently suffered. We pray for the injured to return rapidly to good health,” ani Marcos sa 19th ASEAN-India Summit na ginawa sa Phnom Penh, Cambodia.

Si Vice President Jagdeep Dhankhar ang nanguna sa delegasyon ng India sa summit.

Nasa 135 katao ang nasawi sa pagbagsak ng pedestrian suspension bridge noong Oktobre 30.

Ang tulay ay nagsisilbing daan upang makatawid sa Machchi river at itinayo ng mga Briton noong 19th century. May taas itong 754 talampakan.

Bumagsak ang tulay isang linggo matapos itong muling buksan makaraang sumailalim sa pagkumpuni.