Shabu

P1M shabu nakumpiska, babae, lalake timbog sa Taguig buy-bust

Edd Reyes Oct 21, 2026
108 Views

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa 26-anyos na bebot at kasamang lalaki sa buy-bust operation Martes ng gabi sa Taguig City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang pagdakip sa mga suspek matapos makipag-transaksiyon ang dalawa sa isang tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) dakong alas-7:25 ng gabi sa Brgy. Hagonoy, Taguig.

Nang tanggapin ng bebot na si alyas “Patty” ang markadong salapi, kapalit ng ibinentang isang sachet na naglalaman ng shabu, inaresto na siya ng mga pulis na nakamasid sa paligid, pati na ang 24-anyos na kanyang kasamang si alyas “Weng”.

Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang 150-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,020,000 pati na ang markadong salapi na ginamit sa operasyon.