2 lalaki ninakawan security agency, huli
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Steve A. Gosuico
Oct 30, 2026
56
Views
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Kalaboso ang inabot ng magsasakang nahulihan ng shabu na may halagang P18,360 at isang cal .45 na noong Huwebes.
Kinilala ni Major Ernesto Esguerra ang suspek na si alyas Panot, 67, ng Bantug St., Brgy. San Francisco ng bayang ito.
Hinuli siya matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu sa poseur-buyer sa nasabing lugar dakong alas-10:45 ng gabi.
Kumpiskado mula sa kanya ang shabu na may timbang na 2.7 gramo at isang cal .45 pistol.
Kaukulang mga kaso ng paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang nakatakdang isampa laban sa suspek.
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

