Mahigit 29K katao dumalo sa Saksi ni Jehova convention

Jun I Legaspi Oct 31, 2026
31 Views

MAHIGIT 29,000 katao mula sa 80 bansa ang dumalo sa unang araw ng 2026 International Convention ng mga Saksi ni Jehova noong Oktubre 30 sa SM Mall of Asia Arena at SMX Convention Center.

Sa tatlong araw na kombensiyon na may temang “Walang-Hanggang Kaligayahan,” tampok ang Bible-based na mga pahayag, simposyum, panayam at video.

Mapapakinggan sa mga ito ang
mga praktikal na turo mula sa Bibliya para magkaroon ng tunay na kaligayahan at layunin sa
buhay.

Itinampok noong Biyernes, sa temang “Maligaya ang mga Nakauunawa na Kailangan Nila ang Diyos” (Mateo 5:3), ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan sa Diyos para magkaroon ng kaligayahan.

Sa pamamagitan ng mga presentasyon tungkol sa buhay at mgaturo ni Jesu-Kristo, matututuhan ng mga dumalo ang praktikal na mga aral tungkol sa kapakumbabaan, kabutihan, at pagpapatibay ng kaugnayan sa iba.

Tumutulong ang mga lokal na kongregasyon mula sa National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas,at Bulacan sa pagtanggap sa mga delegado mula sa ibang bansa.

Nakikibahagi rin ang mga kongregasyon sa pag-aasikaso sa mga bisita, kaya nagkakaroon ng pagkakataon ang
mga pamilya na makipagkaibigan sa mga delegado mula sa iba’t ibang bansa.

“Nakita niya na whatever yung mga lahi, kahit anong mga races ng mga kapatid, yung pinagmulan nila, kahit iba-iba yung mga itsura, makita niya na hindi sila strangers— pamilya talaga ni Jehovah. Kaya iyon ang na-appreciate namin.

At an early age, makita na niya na ito
Naglilingkod kami sa Tagalog congregation sa Japan. Gusto talaga namin na makadalo sa International Convention sa Pilipinas para maranasan ang kultura dito,” saad ni Taichiro at Nana Aoba, mag-asawa mula sa Japan.

Magpapatuloy ang kombensiyon hanggang Linggo, Nobyembre 1. Libre ang pagpasok sa SMX Convention at walang koleksiyon na isasagawa. Inaanyayahan ang publiko na dumalo.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang jw.org/tl.