Calendar
Suspek sa 4 na bilang ng rape sa Batangas sa selda di nakaiwas

KAMPO HENERAL MALVAR– Nadakma noong Biyernes ng mga kapulisan ang isang lalaking suspek sa kasong statutory rape sa Brgy. San Antonio, San Luis, Batangas.
Naaresto ang akusado na si alyas Diosdado, 33, ng Batangas Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, provincial director, at ng mga tauhan ng San Luis Municipal Police Station kasama ang 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company at Angeles City Police.
Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Branch 5, Lemery, Batangas para sa crime na statutory rape.
Ang Alternatibong Record Device ay ginamit sa panahon ng operasyon upang matiyak ang wastong dokumentasyon.
Nasa kustodiya ng San Luis police ang naarestong suspek.

