Nakaw

Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote

Arlene Rivera Nov 3, 2026
32 Views

ARESTADO ang 35-anyos na lalaki dahil sa kasong pagnanakaw ng San Juan City police sa Pasay City noong Linggo.

Ang suspek na si alyas “Eboy” ay naaresto dakong ala-1 ng hapon sa bahay niya sa Barangay 123 dahil sa kasong robbery in band.

Inaresto ang suspek sa ilalim ng programang Timpuyog o Unity Borderless Policing System ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Layunin ng Timpuyog na palakasin ang koordinasyon sa limang police district ng Metro Manila.

Aprubado kay Eastern Police District director Police Brigadier General Roman Arugay ang mga nakaaresto sa suspek.

“No distance or jurisdictional boundaries will hinder the Eastern Police District from serving court orders against wanted lawbreakers,” sabi ni Arugay.