Calendar
Obrero iihi, nahulog sa ilog, nakarating sa langit
NASAWI ang 65-anyos na obrero na ipinapalagay na nahulog sa ilog habang umiihi sa pampang sa Barangay San Antonio, Quezon City, noong Linggo.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga pinsan sa bahay nang pumunta sa gilid ng Dario River para umihi dakong alas-7:50 ng gabi.
Makalipas ang ilang sandali, isang kapitbahay ang nakarinig ng lagabog mula sa ilog.
Sa imbestigasyon, hinihinalang nadulas ang biktima sa sementadong bahagi ng pampang bago tuluyang nahulog sa ilog.
Narekober ang kanyang bangkay dakong alas-2:10 ng madaling-araw ng Lunes sa tulong ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Coast Guard.
Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima batay sa pagsusuri sa kanyang bangkay.
