BBM1

Good performance kailangan para pagkatiwalaan

147 Views

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang magandang performance ang isa sa mabisang paraan upang pagkatiwalaan ng taumbayan.

Ayon kay Marcos ang magandang ipinakita ng isang politiko ay hindi maiaalis sa kanya.

“I always say the best politics is performance because it’s something that cannot be taken away from you and it is something that actually makes a difference in people’s lives,” sabi ni Marcos sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na isinagawa sa Bangkok, Thailand.

“Perform and you will get back the trust of the people and that is what we all politicians do and I’m sure even people from the business side… that is what we strive for,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang Pangulo ay nasa Thailand para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM).

Ang APEC ay isang regional economic forum na itinayo noong 1989 upang mapag-usapan ang mga pangangailangan sa Asia-Pacific.