PRC

Nagtapos sa Davao nanguna sa pharmacists licensure exam

242 Views

ISANG nagtapos sa University of the Immaculate Conception-Davao ang nanguna sa November 2022 Pharmacist Licensure Examination.

Ayon sa impormasyon na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang nanguna ay si Ritch Joshua dela Cerna Villadarez na nakakuha ng 92.65 porsyento.

Pumangalawa naman sina Honey Lynn Magtoto Isip na nakakuha ng 92.55 porsyento at Reign Walther Matthew Rodriguez Cirineo ((92.20 porsyento) na kapwa taga- University of Santo Tomas (UST).

Sumunod naman sina Jaina Nicole Sabino Quiambao ng Our Lady of Fatima University of Pampanga Inc (92.15 porsyento), Maurice Kezhia Loquisan Macatangay ng Saint Louis University (92.15 porsyento), at Alyanna Pearl Concepcion Alterado ng UST (92.13 porsyento).

Sumunod sina Jomar Casinginan Salubre ng San Pedro Colleges-Davao City (92.00 porsyento), Rendzborg Cabias Bautista ng UST (91.88 porsyento), Shane Audrey Bahala Lim ng UST (91.83 porsyento), at Trisha Mae Pagobayan Malsada ng Adamson University (91.53 porsyento).