Mga santo, yumao bilang inspirasyon
Nov 1, 2026
Calendar
Provincial
Suspek sa 5 bilang ng rape arestado
Jojo Cesar Magsombol
Nov 1, 2026
21
Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Bagsak sa kulungan noong Biyernes ang isang itinuturing na Regional Most Wanted Person matapos maaresto ng mga awtoridad sa Brgy. Tulos, Rosario, Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas Christopher, 30, isang magsasaka at residente sa naturang lugar.
Inaresto ang suspek ng Rosario Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court Branch 8 ng Calamba City, Laguna, para sa limang bilang ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa, ayon kay PCol. Oliver Ebora, provincial director.
Kasalukuyang nakakulong sa Rosario MPS ang suspek habang inihahanda ang dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa korte.
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
