Halloween party ng PRO 4A napuno ng saya, makulay na kasuotan

25 Views

Halloween1HalloweenHalloween3

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Napuno noong Sabado ng tawanan, makukulay na kasuotan at mga nakakatuwang sorpresa sa Halloween party ng PRO 4A Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI) sa nasabing kampo.

Naghatid ng kasiyahan ang samahan sa pamumuno ng kanilang adviser na si Mrs. Maybelline Baccay para sa 130 dependent ng mga tauhan ng Police Regional Office 4A.

Tampok ang “trick-or-treat” at pamamahagi ng mga regalo.

Kasama rin sa seremonya ang mga batang kalahok para sa mga kategoryang “Little Mr. Halloween,” “Little Ms. Halloween,” “Most Unique Halloween Costume,” at “Scariest Halloween Costume.”

Ang event ay sumusuporta sa “Focused Agenda on Morale and Welfare” ng Philippine National Police.