Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BOC

24 kilo ng ginto itinago sa banyo ng eruplano

Jun I Legaspi Nov 18, 2022
208 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang tangka umanong pagpuslit ng mga gintong alahas na tumitimbang ng 24 kilo.

Itinago umano ito sa loob ng banyo ng eruplano ng Philippine Airlines na galing sa Hong Kong.

Dumating ang PR 301 noong Nobyembre 17 at ipinagbigay-alam ito ng mga crew ng eruplano sa otoridad sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang otoridad upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng mga ginto na tinatayang nagkakahalaga ng P80 milyon.