Exam Larawan: Professional Regulation Commission/FB

Listahan ng 1,343 na pumasa sa Nov. 26 Midwives LIcense Exam

79 Views

UMABOT sa 1,343 mula sa 2,632 examinees ang pumasa sa November 2026 Midwives Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nanguna sa pagsusulit si Angela Maree Dela Torre Limcangco ng Bataan Peninsula State University-Main Campus matapos makakuha ng 93.50% rating.

Samantala, kabilang sa mga top-performing school na may 50 o higit pang examinees ang State University of Northern Negros, na nagtala ng 94.23% passing rate matapos pumasa ang 49 sa 52 examinees. Sumunod ang Ilocos Sur Polytechnic State College-Main Campus (North LPSC-Candon) na may 93.85%, at University of the Philippines School of Health and Sciences-Leyte na may 91.95%.

Sa hanay naman ng mga paaralang may 20 hanggang 49 examinees, nanguna ang Makilala Institute of Science and Technology-Cotabato na may 95% passing rate. Pumangalawa ang Tagoloan Community College na may 94.44%, habang pumangatlo ang Mindanao Institute of Healthcare Professionals, Inc. na may 91.30%.

Magsisimula sa Disyembre 18, 2026 ang online registration para sa pagkuha ng Professional Identification Card at Certificate of Registration. Samantala, iaanunsyo pa ng PRC ang petsa at venue ng oath taking ceremony ng mga bagong midwife.