Calendar
Larawan: DOJ via PNA/FB
Quiboloy, Dandan, Panilag, inisyuhan ng extradition arrest warrants
Naglabas ng extradition warrants of arrest at hold departure orders ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 145 laban kina Pastor Apollo C. Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan, at Helen Panilag noong Nobyembre 12, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Batay sa pahayag ng DOJ, nakakita ang korte ng probable cause na ang tatlo ang mga indibidwal na nakapangalan sa arrest warrants at indictments mula sa Estados Unidos, at na ang mga kasong kinakaharap nila ay extraditable offenses.
Nagsumite ang DOJ ng petition for extradition sa Makati RTC noong Nobyembre 9, 2026, sa ngalan ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Kasabay ng mga warrant, naglabas din ang korte ng hold departure orders upang pigilan ang mga respondent na makaalis ng bansa. Kapag naipatupad na ang pag-aresto, mayroon silang 15 araw mula sa pagtanggap ng summons upang magsumite ng verified answer sa petisyon.
Nangako ang DOJ na magbibigay ng regular na update sa publiko sa oras na magkaroon ng mga bagong development.
