Calendar
Makati RTC naglabas ng extradition warrant of arrest, HDO vs Quiboloy, 2 pang akusado
NAGLABAS na ng extradition warrants of arrest at hold departure orders ang Makati City Regional Trial Court (RTC) laban kay Pastor Apollo Quibuloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at dalawa pang kapuwa niya akusado noong araw ng Huwebes, Nobyembre 12, 2026
Inilabas ni Makati RTC Presiding Judge Karen Matti Sy ng Branch 145 ang kautusan makaraang makakita ng sapat na batayan sa inihaing extradition petition ng Department of Justice (DOJ) noong Nobyembre 9, sa ngalan ng Estados Unidos.
Bukod kay Quiboloy, kasama rin sa naturang extradition warrant of arrest at hold departure order sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag na pawang nahaharap sa mga kasong sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at bulk cash smuggling sa Estados Unidos.
Ayon sa DOJ, sa oras na maipatupad ang pagdakip sa tatlo, mayroon silang 15-araw mula sa pagtanggap na summon para magsumite ng kanilang tugon sa petisyon.
Si Pastor Quibuloy ay kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail matapos maaresto bunga ng mga kasong child abuse at human trafficking habang wala pang ulat ang kapulisan kaugnay sa kinaroroonan nina Dandan at Panilag.
