BINI

BINI, Carmelle hataw sa Kids’ Choice, Jupiter Music Awards at Eurovision Asia

Ian F Fariñas Nov 16, 2026
9 Views

CarmelleTatlong international awards ang nasungkit ng ABS-CBN artists na BINI at si Carmelle na muling nagbigay-karangalan sa Pilipinas nitong weekend.

Gumawa ng kasaysayan si Carmelle bilang kauna-unahang kampeon ng “Eurovision Song Contest Asia,” habang dalawang international awards naman ang napanalunan ng Nation’s Girl Group na BINI sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards at Jupiter Music Awards.

“These victories are a proud moment not just for ABS-CBN, but for the entire country. Carmelle and BINI have shown that Filipino talent can stand alongside the best in the world. As ABS-CBN continues to expand its presence in the global entertainment market, we remain committed to creating more opportunities for Filipino artists to showcase their talent and share our music with the world. Their success is a source of great pride for all Filipinos,” sabi ni ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan.

Nasungkit ni Carmelle ang titulo sa Eurovision Asia na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Sabado (November 14), matapos talunin ang mga kalahok mula sa 10 iba pang bansa sa Asya.

Pinabilib ng Kapamilya singer ang international audience sa kanyang performance ng “Sobra-Sobra,” kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagkanta, mabilis na pagra-rap at pagsasayaw.

Nanguna siya sa parehong jury at audience voting, matapos makakuha ng 93 points mula sa jury at 118 points mula sa audience para sa kabuuang 211 points.

Samantala, doble naman ang saya para sa BINI matapos magwagi sa Favorite Global Music Star category ng 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Tinalo ng grupo na kumatawan sa Asya ang iba pang international music stars na sina Taylor Swift, Karol G, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla, at Tame Impala.

Hindi pa rito nagtapos ang tagumpay ng BINI dahil kinilala rin silang Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa 2nd Jupiter Music Awards, na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Binubuo ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena, patuloy na umaani ng tagumpay ang BINI sa international music scene sa kanilang mga kanta, performance at world tour.

Ang tatlong international victories ni Carmelle at ng BINI ay patunay ng patuloy na pag-angat ng talentong Pilipino sa buong mundo. Sa pamamagitan ng ABS-CBN Music, patuloy na sinusuportahan ng ABS-CBN ang mga talentong Pilipino at ang pagdadala ng Original Pilipino Music (OPM) sa international stage.