FMR

FMR mahalaga, ayon sa bgy capt

Christian Supnad Nov 16, 2026
9 Views

MARIVELES, Bataan – Ang mga proyektong farm-to-market (FMR) roads ay napakahalaga sa mga barangay lalo na sa mga malalayong lugar, ayon kay Kapitan Dante Malimban ng Alas asin.

Ibinalita ni Malimban na isang kahilingan ng mga kabarangay niya ang unti-unting isinusulong tungo sa katuparan.

“Ang FMR ay malaking hakbang upang magkaroon ng mas maayos, ligtas at maayos na daloy ng transportasyon, na higit na makatutulong sa ating mga residente at lokal na komunidad,” sabi ng kapitan.

Nagpasalamat ang kapitan kina Gov. Joet Garcia, Rep. Gila Garcia, Rep. Abet Garcia, Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion at sa buong Sangguniang Panlalawigan ng Bataan.

Kinikilala rin ang pagkakaisa ng Alas asin, Brgy. Mt. View at Brgy. Cabcabe na sama-samang naghain ng resolusyon upang maisakatuparan ang mahalagang proyektong ito.