Inton

COURTESY CALL

Christian Supnad Nov 16, 2026
1 Views

Tinanggap noong Lunes ni Mayor Ann Inton (ikatlo sa kaliwa) si CENRO Lezette Bernales ng DENR-Dinalupihan, Bataan, kasama ang kanyang mga kawani, sa courtesy call na naglalayong pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa at ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO). Kasama sa pagpupulong si Municipal Environment and Natural Resources Officer Jake de Luna upang talakayin ang mga posibleng pagtutulungan at pagsusulong ng mga programa at inisyatiba para sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan sa ating bayan, ani Inton. Kuha ni CHRISTIAN SUPNAD