Calendar
Laguna Gov. Sol Aragones
Larawan: Laguna Public Information Office
Provincial
Batang may cancer makikinabang sa Christmas bonus ng Laguna gob
Gil Aman
Nov 17, 2026
17
Views
IBIBIGAY ni Laguna Gov. Sol Aragones ang kanyang Christmas bonus aniya sa mga batang may kanser bilang paghahatid ng pag-asa sa mga batang pasyente ngayong kapaskuhan.
Isinusulong ni Aragones ang mga programang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Lagunense sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan na naglalayong mailapit ang tulong medikal sa mga higit na nangangailangan nito.
Hangad ng gobernador na makapaghatid ng saya, lakas ng loob at pag-asa sa mga batang humaharap sa pisikal na hamon ng pagpapagamot sa kanser.
Higit pa sa tulong pinansyal, sumasalamin ang inisyatibong ito sa diwa ng malasakit at pakikiisa bilang paalala sa mga batang pasyente at kanilang mga pamilya na hindi sila nag-iisa sa kanilang pinagdaraanan.
Our Lady of Peace and Good Voyage bibiyahe
Nov 17, 2026
PAGGUNITA SA KAARAWAN
Nov 17, 2026
COURTESY CALL
Nov 16, 2026
Bataan solon nahalal na SCAN country prexy
Nov 16, 2026
