Jesus

Panginoon maraming salamat sa mga taong nagmamahal sa akin

Mar Rodriguez Nov 20, 2026
85 Views

PANGINOON, nais kong magpasalamat ng lubos sa Inyo.

Maraming salamat po sa aking mga kaibigan, mga kamag-anak, pamilya, tahanan, at sa lahat ng biyayang patuloy Ninyong ipinagkakaloob sa aking buhay.

Patawarin po Ninyo ako sa aking mga pagkakamali at tulungan Ninyo po akong maging mas mabuting tao sa bawat araw.

Protektahan po Ninyo ang mga taong mahal ko, ingatan sila sa ilalim ng Inyong pangangalaga, at bigyan sila ng mabuting kalusugan.

Punuin po Ninyo ang aming mga puso ng pag-asa, pagmamahal, at pasasalamat.

Wala po kami kung wala Kayo, Panginoon.

Amen.

Ni Mar Rodriguez