Gala

PCG sa San Francisco dumalo sa 14th Gala ng Filipino Ministry

86 Views

Gala1Gala2Gala3

TAGUMPAY kamakailan ang 14th Gala ng Filipino Ministry ng Archdiocese of San Francisco sa Patrons Hall, Cathedral of Saint Mary of the Assumption sa San Francisco, California

Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine Consulate General sa San Francisco ang pagtitipon bilang pakikiisa sa komunidad ng mga Pilipino sa lugar.

Nagpasalamat ang Filipino ministry sa lahat ng miyembro at sinabi ang kanilang mga proyekto at aktibidad sa paggabay sa mga kabataang Pinoy sa loob ng Archdiocese.

Iginawad ang posthumous award kay Anthony Cruz Legarda, isa sa mga nagtatag ng The Hinabi Project, at kinilala ang kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng kulturang Pilipino.

Tinanggap ang parangal ng kanyang kapatid na si Brenda Legarda Laurance, kasama ang kapwa co-founder ng grupo na si Edwin Lozada.

Binigyang-pugay din ang mga paring Pilipino at mga diakono sa Archdiocese dahil sa tapat na paglilingkod sa mga Katolikong Pinoy.

Pinuri ng Konsulado ang malaking papel ng mga faith-based organizations sa pagpapanatili ng tradisyong Pilipino.