PILA

Pila nagpailaw ng Christmas tree

Gil Aman Nov 20, 2026
90 Views

PILA, Laguna — Pinailaw na sa bayang ito ang Christmas tree noong Nob. 16 sa Pila town plaza.

Nakiisa sa pagdiriwang ang mga residente na sumaksi sa pagpapailaw ng Christmas tree.

Tampok din ang kauna-unahang Christmas station ID ng bayan, mga pagtatanghal mula sa iba’t-ibang paaralan at makulay na fireworks display, ayon kay Mayor Queen Alarva.

Sinimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Rev. Fr. Emil Urriquia, parish priest ng National Shrine of St. Anthony of Padua sa Pila.

Sinundan ito ng mensahe ni Mayor Alarva at nagpasalamat kina Vice Mayor Egay Ramos, sa Sangguniang Bayan, kay Governor Sol Aragones at sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa kanilang suporta upang maisakatuparan ang pagdiriwang.

“Dama na ang Pasko sa bayan ng Pila kaya uuna na kami ng pagbati sa inyong lahat,” sabi ng mayor.

Tampok sa pagdiriwang ang pagpapalabas ng kauna-unahang Christmas station ID ng bayan, na nagtatampok sa iba’t-ibang tanggapan at kawani ng pamahalaang bayan ng Pila. Ipinakita nito ang sama-samang pakikibahagi ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagsalubong sa panahon ng Kapaskuhan.

Tampok sa gabi ang countdown at pagpapailaw ng Christmas tree na sinundan ng fireworks display.