Calendar
Larawan: Baler Municipal Tourism Office/FB
Hanging bridge sa Baler, bumigay; ilang katao nahulog sa ilog
Ilang indibidwal ang nahulog sa ilog matapos masira ang isang bahagi ng Zabali Hanging Bridge sa Barangay Zabali, Baler, Aurora, bago magtanghali noong Biyernes, Nobyembre 20, 2026.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Baler, may mga taong tumatawid nang mapatid ang isang kable na nagdurugtong sa tulay.
Dahil dito, pansamantalang isinara ng Baler Municipal Tourism Office ang hanging bridge matapos ideklarang hindi ito ligtas gamitin. Pinag-iingat ang mga turista at residente at pinagbawalang tumawid dito hanggang sa susunod na abiso.
“We strongly advise everyone to refrain from using the bridge and to follow safety precautions. Tourism stakeholders are also encouraged to inform their guests and visitors about this advisory.”
Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa kabuuang bilang at kalagayan ng mga nahulog sa ilog.

