Calendar
Larawan: Mount Pulag/FB
Trekking sa Mt. Pulag, bawal tuwing Linggo, Lunes simula Disyembre
Ipagbabawal ang trekking activities at pagpasok ng mga trekker sa Mount Pulag tuwing Linggo at Lunes simula Disyembre 2026, ayon sa advisory ng Protected Area Management Office ng Mount Pulag Protected Landscape (MPPL).
Saklaw ng polisiya ang mga trekker, organizer, travel operator, driver, homestay owner, transporter at mga coordinator na may business permit. Layunin nitong maiwasan ang pagsisikip ng mga bisita at trapiko sa access road, gayundin ang mga aksidente at iba pang panganib sa kaligtasan.
Ayon sa pamunuan, maraming trekker na sumasailalim sa orientation tuwing Sabado ang nakatakdang bumaba sa Linggo, na nagdudulot ng dagsa ng mga bisita. Iisa lamang din ang access road patungo sa Ranger Station at mga homestay, kaya nais ng pamunuan na mabawasan ang pagsisikip at mabigyan ng panahon ang parke at likas-yaman nito na makabawi mula sa tuloy-tuloy na aktibidad ng mga bisita.
Gayunman, papayagan pa rin ang mga nakapagpareserba at nakapagbayad na bago ipatupad ang bagong polisiya. Hiniling naman ng pamunuan ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko sa pagpapatupad nito.

